Tinalikdan ng araw ang langit Hinayaang lamunin ng dagat ang hari Mahinahon ang karagatan Tila nagdurugo ang tubig Hinabol ang hangganan ng nakikita Doon nasilayan ang mukha ng asawa Papalapit ngunit hindi naman niya kayang masungkit Mga mata'y ipinikit Sinariwa ang halimuyak ng kanyang mga halik Labis na nasasabik Gustong balikan ang mga sandali Pagbukas ng mga mata, Kadiliman ang naghasik ng labis na pangungulila't hinagpis