Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pagmamahal
Umasa ako, naghintay sa alam kong hindi na babalik, 'Yung mainit na pagbabalik kagaya ng iyong mga halik. Lumipas pa ang panahon na kahit tawagin na lang na muntik, Ngunit hindi, ika'y hindi na bumalik. Sana man lang ay nag paalam at pinaalam, Nang sagayon ang paglisan ay nadamdam. Hindi ko naman minadali, hindi ko naman pinilit, Kaso lumisan ka ng unti-unti, at sadyang pinunit ang puso kong galit. Pinilit kong tanggapin, Ang sakit na aking kinikimkim. Nagsulat na para lang ba sa hangin, Sa sobrang balewala'y, ito'y lumubog na sa buhangin. Parang bang habang buhay akong naghintay, Sa mga salita **** wala namang saysay. Naiwan na lang akong tulala, Habang ika'y nawawala. Tuluyang bang ika'y ipagpapalaya? O wag na lang kaya? Hiniling ko, mununi ko, Ngunit hindi pa pala sapat—kaya sumuko na ako.
0
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:38 AM UTC
Ipagpapalaya na ba?
Sa bawat iniisip kita tuwing hatinggabi, Binibilang ang mga dahilan kung bakit nandito pa rin ako—naghihintay. Kahit sa panaginip na lang tayo nagtatagpo, Sana’y muling masilayan, kahit sa isang saglit na totoo. Hindi ko hinangad ang ganda—babaw lang iyon sa paningin. Hindi ko hinanap ang bait—karaniwan na lang iyon kung iisipin. Hindi ko kailangan ang yaman; wala itong halaga sa akin. Narito pa rin ako dahil sa iyo, at sa iyong mga turo. Tinuruan mo akong magmahal nang tunay. Na ayos lang ang hindi maging maayos sa gitna ng lumbay, At may lakas sa pag-amin ng pusong marunong lumuha. Ngunit sa gitna ng hindi pagkakaunawaan, puso mo’y aking nasira. Ngayon, sa katahimikan ng malalim na gabi, Maaari pa bang balikan ang kahapong nagdaan? Mahanap ko kaya ang lakas na alagaan ka nang tama, Kahit abutin pa ng maraming taon ang paghihintay, Maaari bang ang pag-ibig ay maging walang hanggan? Sa halip na ang takot na naging sanhi ng iyong pagkawala?
0
Feb 22
Feb 22, 2026 at 6:57 AM UTC
Gusto kita makasama buong gabi
May pangalan sa hangin na tila humahaplos, Pangalan na gusto kong limutin tuwing sasapit ang hapon. Sa bawat patak ng ulan, Isang alaala ang siyang unti-unting nalilimutan. Limot, sa mga sandaling ika'y nakasama, Ay siyang unti-unting nalulumot. Pero ang mga nalulumot na ito ay ayokong pakawalan, Kaso nasasaktan ako, dahil ikaw mismo ang lumilisan. Napakahirap na limutin ka, Maalala ka lang, mata ko ay nagluluha. Ako'y hinihila ng sakit, Dahil bakit parang napakadali sa'yo na ito'y lagpasin? Bakit hanggang ngayon nakabaon pa rin ang iyong magandang mukha? Sa tuwing sisikat ang araw, Ito'y nakapagpapakumbaba. Kahit man ang oras ay magbago, Ang pagmamahal ko sayo'y hindi maglalaho. Na kahit man ika'y lumimot Ang puso ko ay sayo lang titibok.
0
Aug 30, 2024
Aug 30, 2024 at 10:52 AM UTC
Limot
kung sa dulo'y gusto lang naman ang sumaya, hindi nalang sana nag-aksaya pa ng oras kung hindi naman kayang tanggapin ang sakit na na-idulot at 'di mo rin karapat-dapat ang mahalin dahil ikaw mismo ay ang taong mapili, ngunit sa katunayan, hindi naman pinili.
0
Aug 4, 2024
Aug 4, 2024 at 12:42 PM UTC
akyasa
mahal, kailan ka huling ngumiti? ngiting tunay at hindi pinilit, mahal, kailan ka huling tumawa? tawang kay lakas at nakakahawa. mahal, alam kong mabigat na naman mabigat muli ang iyong nararamdaman, sa araw-araw hinihiling **** sana'y gumaan hindi mo alam kung gaano mo pa katagal makakayanan. mahal, narito ako sasamahan kita, 'wag nang matakot pa, hindi ka na nag-iisa ako'y magsisilbi **** pahinga, ako ang s'yang magiging tahanan, kaya mahal, tumahan na.
0
Oct 3, 2021
Oct 3, 2021 at 8:33 AM UTC
tahan
Pagtulog na lang ang pahinga Pag gising, ikaw ang laman ng isip, ngunit Pagkapikit ng mga mata Pag-ibig mo pa rin ang hanap sa panaginip. Sa gabi'y isang bangungot; Sa araw'y malabong imahinasyon Samantalang ang pinakamasalimuot— Sabik akong magkatotoo lahat ng 'yon.
0
Mar 21, 2021
Mar 21, 2021 at 2:48 PM UTC
Prinsesa
;; ikaw ang paburitong kanta na inaabangan ko palaging tumugtog sa radyo. ikaw ang larong pipiliin kong maging taya ulit. ikaw ang pelikulang uumpisahan kong muli, kahit na lumuha pa. ikaw pait na nais kong malasan pa rin. ikaw ang sakit na hahayaan kong madama ulit, at ikaw rin ang pag-ibig na patuloy sa akin na ipinagkakait.
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 5:27 PM UTC
ikaw, na pinagkakait
Hindi kailan man umiba ang pintig ng puso, Pusong ikinabit sa mga emosyon, Emosyon na hindi malaman kung bakit nagsimula, Nagsimula at bumuhay sa magugulong pangarap, Pangarap na magmamahal ngunit hindi kayang isuko, Isuko ang puso para sa iba. Iba, iyan sila. At iba ka rin sakanila, Sakanila na nagsasabing darating din ang araw na magmamahal, Magmamahal ng buong puso at kaluluwa, Kaluluwang hindi sigurado kung totoo nga ba, Totoo nga bang may kahati ka, May kahati ka, at ako nga ba? Ngunit lumipas ang panahon, Panahon na nasayang sa paghahanap sa tutugon, Tutugon sa kaisipang itinatak nila sa isipan, Sa isipan kong naguguluhan. Ngunit aking napagtanto, Napagtanto na hindi lahat iibig sa alam nilang paraan, Paraan kung saan ang dalawa o higit pang tao ay pupunan ang kakulangan, Kakulangan na sabi nila'y mabubuo lamang, Mabubuo lamang kapag nagtagpo ang mga pusong natutong magmahalan. Ngunit paano nga ba magmahal? Magmahal ng isinusuko ang lahat, Lahat na gagawin ko rin sa aking mga kaibigan, Mga kaibigang handang pakinggan, Pakinggan tulad ng pakikinig sa boses mo, Sa boses mo na tila tumugon sa boses ko, Sa boses ko na bigla nalang din natigilan. Ngunit hindi ito para sa'yo, Sa'yo kung saan may nagpatigil ng tinig ko, Tinig ko na nagtatanong nanaman, Nagtatanong nanaman kung bakit tila may mali sa sariling pagkakakilanlan, Pagkakakilanlan sa puso at sa pagmamahal nitong alam. Isang araw gumising nalang, Gumising nalang at napagalaman, Napagalaman na maraming paraan ng pagmamahal, Pagmamahal na posible minsan, Minsan... o siguro nga'y kadalasan, Kadalasan ay iba ang pagkaunawa, Pagkaunawa sa pag-ibig na pilit nilang itinatatak sa isipan.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 5:05 AM UTC
Paano Nga Ba Magmahal?
Hindi kailan man umiba ang pintig ng puso, Pusong ikinabit sa mga emosyon, Emosyon na hindi malaman kung bakit nagsimula, Nagsimula at bumuhay sa magugulong pangarap, Pangarap na magmamahal ngunit hindi kayang isuko, Isuko ang puso para sa iba. Iba, iyan sila. At iba ka rin sakanila, Sakanila na nagsasabing darating din ang araw na magmamahal, Magmamahal ng buong puso at kaluluwa, Kaluluwang hindi sigurado kung totoo nga ba, Totoo nga bang may kahati ka, May kahati ka, at ako nga ba? Ngunit lumipas ang panahon, Panahon na nasayang sa paghahanap sa tutugon, Tutugon sa kaisipang itinatak nila sa isipan, Sa isipan kong naguguluhan. Ngunit aking napagtanto, Napagtanto na hindi lahat iibig sa alam nilang paraan, Paraan kung saan ang dalawa o higit pang tao ay pupunan ang kakulangan, Kakulangan na sabi nila'y mabubuo lamang, Mabubuo lamang kapag nagtagpo ang mga pusong natutong magmahalan. Ngunit paano nga ba magmahal? Magmahal ng isinusuko ang lahat, Lahat na gagawin ko rin sa aking mga kaibigan, Mga kaibigang handang pakinggan, Pakinggan tulad ng pakikinig sa boses mo, Sa boses mo na tila tumugon sa boses ko, Sa boses ko na bigla nalang din natigilan. Ngunit hindi ito para sa'yo, Sa'yo kung saan may nagpatigil ng tinig ko, Tinig ko na nagtatanong nanaman, Nagtatanong nanaman kung bakit tila may mali sa sariling pagkakakilanlan, Pagkakakilanlan sa puso at sa pagmamahal nitong alam. Isang araw gumising nalang, Gumising nalang at napagalaman, Napagalaman na maraming paraan ng pagmamahal, Pagmamahal na posible minsan, Minsan... o siguro nga'y kadalasan, Kadalasan ay iba ang pagkaunawa, Pagkaunawa sa pag-ibig na pilit nilang itinatatak sa isipan.
Continue reading...
40
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.
Pinagmamasdan kita sa malayo habang ang iyong buhok ay hinahangin Para bang may kumurot saking puso at bigla nalang naging magulo ang damdamin Pakiramda'y di ko mawari kung ako ba'y masaya o malungkot Galit sa mundo at damdamin ay puno ng poot Alaala ng kahapo'y sadyang mapanakit at sa puso'y nanunuot Nais ko na sumigaw at tumakbo palapit Nag ayos ng sarili at nag subok lumapit Saya at lungkot ng kahapo'y saakin ay nakakapit Habang tumatagal damdami'y lalong pumapait Puso ay tila wasak parin Pagkat sugat ay sariwa parin Sa aking paglapit Sa dibdib ay bigla nalang may gumuhit Yayakapin ka na sana Ngunit wala ka na nga pala Aking napagtanto Alaala na lamang pala ito
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 2:24 PM UTC
I M A H E
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig? Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig? Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig? Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay, Sa pagsuway. Hindi ito ang tamang pagmamahalan 'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako. Ngayon kaibigan Maaari mo na bang sagutan Ang aking katanungan Ang talata sa unahan
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
II. Tunay Na Pag-ibig
Isang babae ang kilala ko, Napapagod pero hindi sumusuko. Mga problema na nasa kaniyang puso Matatag, matapang hanggang dulo. Bawat araw niya ay hindi madali, Kaya’t andito ako palagi. Mga ala - ala kung saan sinulat ko ang “Simula’t hanggat sa huli” Na ang lahat ng ito ay simula pa lamang, At ang pag - ibig ko sayo ay walang hahadlang.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 8:38 AM UTC
lungkot
Sa bawat iyak sa sulok Sa bawat tulo ng aking mga luha. Ikaw ang nag - bigay ng lakas at saya sa aking buhay. Mga bawat ala - ala na hindi maganda Tinanggal mo gamit ang biyaya. Sa bawat takot na mawala ka Alam kong andito ka. Andito sa tabi ko hanggang magpa kailan man. Mga oras kung saan hinahanap hanap kita Ika’y natagpuan sa loob ng aking puso Tinitibok ang iyong pangalan.
0
Feb 17, 2020
Feb 17, 2020 at 8:51 AM UTC
Alon
Di pipigilan ang puso na tumangis Ang luha sa pagpatak nang dahan-dahan Ilalakad pa rin ang mga nanginging na paa kahit masakit Imumulat ang mga mata habang lumuluha at tinitingnan ka papalayo Bubuksan ang kamay lalo na't hindi na hawak ang iyong palad Hahagkan ang hangin sa pagbabakasakaling ika'y babalik Titingnan ka na lang sa malayo at ngingiti Sa pagkakataong iyon alam kong ika'y masaya sa kanyang piling Hindi na pipilitin at alam kong ika'y di para sakin At lalaging sasabihin na kung hindi lang din ikaw ay huwag na lang Sa muling pagtatagpo sa huling pagkikita sa huling hininga ikaw...
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 7:45 AM UTC
Kung di lang din ikaw
Di alam ang bawat sasabihin Pero alam ang nararamdaman, Mga bawat linya ng sulat Ako ay basta basta namumulat, Namumulat sa katotohonan Hinding hindi kita bibitawan, Hawak ang iyong mga kamay Naka tingin sa iyong mga mata At sasabihin, Mahal kita.
0
Feb 8, 2020
Feb 8, 2020 at 12:46 PM UTC
ligaya
Wala akong pera pang-cab Kaya mas prefer ko mag-jeepney Ikaw ang hihilingin Kung sakaling makatagpo ng genie Lagi kang nasa ulo ko Parang paborito ko'ng suoting beanie Mahal kita Sheki Kahit na size mo ay mini
0
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 9:53 PM UTC
Sheki
Kamusta ka, Naaalala mo pa ba ako O naaalala mo pa ba ang pagmahal ko Aking L_ Ang iyong damdamin ay saakin pa ba O Nasa iba na Aking L_ Patawad dahil hindi ko talaga kaya na mawala ka sa aking buhay Aking L_ sana nahanap muna ang iyong kasayahan Aking L_ Kahit hindi man lang ako ang magpapasaya sa iyo Minahal kita ng buong puso ko
0
Jul 4, 2019
Jul 4, 2019 at 1:15 PM UTC
ang aking L*****
Dumudugo— Sobrang kirot, Kamay ko'y nasasaktan, Mahigpit ko pa ring hawak; Dumudugo— Sobrang sakit, Palad ko'y naramdaman, Tinik sa katawan ng rosas; Dumudugo— Sobrang hapdi, Kamay ko'y patuloy na kumapit, Ani mo, baka kaya pa Kaya sa iyo ay patuloy na umaasa.
0
Jun 21, 2019
Jun 21, 2019 at 2:13 AM UTC
PAG-IBIG; KIROT
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana Nalulunod sa mga baka sakali Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una At pangmatagalang pait at sakit sa huli Unang yakap at halik mula sa kabiyak Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak Handa akong masaktan at bitawan ka Mamahalin kita habang may oras pa
0
May 17, 2019
May 17, 2019 at 8:41 AM UTC
Habang may oras pa
minsan ko pang ibinulong sa hangin, na sana'y tayo nalang dalawa. ngunit masakit mang aminin, tayo'y hindi makabubuti sa isa't isa.
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 10:09 AM UTC
minsan.
do not expect me to pay you back a garden of sunflowers, if you haven't given me a single seed even just for once.
0
Apr 1, 2019
Apr 1, 2019 at 11:14 AM UTC
1 april 2019
some poetries are not yet conveyed into words; they're still felt by the heart, and the mind is still fathoming those sentiments, before finally converting them into words.
0
Mar 22, 2019
Mar 22, 2019 at 11:44 AM UTC
some poetries.
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
sa tunog ng tambol, iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay at sa gayo'y mapawi ang damdaming puspos sa dalamhati ang bawat pagtibok aba'y mistulang pulso dala ng aking puso kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 9:45 PM UTC
40