Tatlong bituing* patungo sa *Norte Sa Silangan at Kanluran Ang dugong hindi bughaw Kalayaa'y sagisag.
Nagdadalamhati ang Perlas Pagkat ito'y tanyag Sa sari't saring anumalya Pawang sa pulitika't Maging sa simpleng eskinita.
Tuwid na daan ang sabi ng Hari Itong kaibigan ko nga Pumaskil pa sa Facebook "Tuwid na daan patungo sa kamalian."
Maulop ang daan patungo sa katuwiran May limitasyon sa bawat miyembro ng lipunan Kasapi rin tayo sa eskandalong may hithit Uhaw nga sa salapi, sirang plaka naman.
Kinalakhan ko ang dungis ng bayan Nasanay na lang bagkus tuloy lang ang pangarap Sabi nila'y tatsulok ang patakaran Ang mayayama'y tataas Mahihirap ay *lulusong sa putikan
Mayroong tama sa bawat nasaksihan Ngunit hindi ko maitatangging Ako'y kasapi ng masalimuot na kasaysayan Ngunit kung tanging mali Ang pupukaw sa paningin Aba't wala akong mararating.
Mahirap na nga Makitid pa ang isip Mayaman na nga Hindi pa nasusuka sa kurapsyon.
Batu-bato raw sa langit Bagkus ang tamaa'y sa lupa rin ang bagsak Tayo na't sumulong Pagkat ang giyera'y walang urungan.
Walang nararapat na panigan Pagkat ang tama'y Hindi na dapat pinag-iisipan Kung ang prinsipyo nati'y Lalang para sa kaluwalhatian Nasisiguro ko, ito'y may magandang patutunguhan.