Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi Sa nakalatay na papel na siyang may lamat Na minsan kong pagkakamali.
May ilang letrang naging tuntungan At ang alagang walang buhay -- Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag; Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon.. Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.
Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula Nagising ang pangarap na siyang binigla.
Ang oras daw ay ginto At minsa'y kailangang habulin ang mga numero Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan Tila hindi sapat.
Muli kong binilang ang nalalabing araw Tanging ang pangpito ang siyang pahinga Ganito pala ang katotohanan, wika ko.
Salamat sa huling araw Na iluluwal muli ang gintong araw Itataas kong muli ang kapagalan At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.
Sabi Niya nga sa akin, Wag daw akong mapapagod Pagkat hindi matatapos ang araw, May panibago na namang hamon.
Salamat sa Maykapal Salamat sa saglit na pahinga At sa tubig mula sa bukal; At minsan ako'y tinawag Niya Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas Ang pananampalata'y patuloy din.
Bitbit ko ang puso Niya Na lagi Niyang bahagi sa akin Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.
Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya Mabuti pa't maglaho na lamang Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko Tanging ang nota ko'y Siya lamang Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya, Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.
Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!