Malaya kong isisigaw ang Ngalan Mo — Dakila Ka, Dakila Ka ngang talaga.
Saksi ako sa kabutihan Mo Sa buhay kong balang araw Ay babalik din sa alikabok — Na ang bawat pangako Mo’y Mga balang lumagablag sa aking kaibuturan.
Saksi ako sa pag-ibig **** Umaakap at umaakay sa akin Pabalik at papalapit Sa’yo — Ang pagmamahal **** kusang ibinibigay, Ibinubuhos, mabuhay lamang ako.
Saksi ako sa grasya **** umaapaw, Nalulunod ako Sa’yong pag-ibig At sa Liwanag Mo’y nabubulag ako Hanggang sa… Hindi ko na masilayan Ang dati kong pagkatao.
Nagbago na pala ako, Ako’y binago Mo. Malayang-malaya na pala ako, Ako’y pinalaya Mo.