Walang ibang saksi Ng mga binhing kusang umuusbong. At walang ibang tutugon Sa walang katapusang paghikbi.
Daig pa ng liwanag Ang kadilimang baluti sa’king mga mata. Ngunit tila ba ako’y hindi pa rin handa Sa mga balang tumatagos sa’king katauhan.
Nauuhaw pa rin ako Sa mga salitang “Mahal kita” Ngunit sa bawat pagtagisan ng mga salita’y Puso ko rin ang kusang lumilisan.
Marahil ang paghilom ay isa lamang panimula Ngunit sa ngayo’y ang mga pahina’y Nasa dulo na ng aking katapusan At paano nga ba muling makasasandal? Paano nga ba muling magsisimula?