Sa salamin may pinapahid sa pisngi si Maya Mga palamuting umaaliw sa paningin ng iba Paglipas ng sandali'y anyo nga ay nag-iba Ngunit katotohanan ay di maitatago sa likod ng maskara
May isang taong buong buhay ay naghukay Inapakan ang lahat upang marating ang tagumpay Ngunit hininga niya'y napagod na sa kahihintay Sa huli, siya itong naghukay para sa sariling bangkay
Ngayong araw ay kaawaran ko na May mga pagkatok, heto't bubuksan ko na Pagbukas ko'y mga pagbati't regalo ang dala-dala Sa pag talikod ko'y itak na ang naka-amba
Sino nga ba itong nagkukubli sa pangalan ng iba At tila ba nagtatago sa mundong alam niya May nais nga ba siyang ilihim sa paningin ng iba At patakas na nagtatago sa larawan ng iba?
Ito'y ilang halimbawa na aking nabanggit Tila nakamamatay na sakit, tulad ng inggit Na anyo ng bawat isa na kanya-kanyang bit-bit Na mga Pagkatao'ng tiyak na walang nagpapahigit.