Sa sigaw ng isip ay nais makalaya Ngunit katunggali niya ay magaling na mandaraya Hanggang kailan mo nanaisin ang lumaya? Tanong ko habang naka ngiting masaya
Hindi nga niya kailanman maililihim Ang totoong timpla ng damdamin Ngunit kung ako ang papipiliin? Hirap niya sa isang iglap ay nais ko'ng burahin
Tunay nga na siya ay magaling Dumi ng iba ay kayang alisin Ngunit sa sarili pag-dating Mantsa ay hindi kayang tanggalin
Tunay na kulay nga niya'y itim Siya'y nagkukubli sa anyong mahinhin Siya nga ito'ng nakaharap sa akin anyo ng lalaki sa salamin
At sa t'wing pag-bungad ng umagang maawain Madalas siyang magtago sa lilim At kasabay ng pag-agaw ng dilim Sa lungkot nagdudusa ang kanyang damdamin