Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2021
sige lang

mag sulat ka lng
punuhin mo ng tinta,
        ng letra,
ng salita,
                ng talata,
   ng luha,
              ng saya,
  ng kabiguan ang bawat pahina..

mag sulat ka lang..

ano naman kung hindi nila magustohan ?

ano naman kung hindi matalinghaga ano naman?

ano naman kung ikaw mismo hindi mo na maintindihan?

kung hindi nila maintindihan?
magsulat ka lang.

hanggang sa maubos ang tinta,
              ang mga letra,
ang mga salita,
           ang mga talata,
   ang mga luha,
                       ang mga kabiguan..

sige lang.
Blueberry  Ice
Written by
Blueberry Ice  24/F/how to leave Earth
(24/F/how to leave Earth)   
Please log in to view and add comments on poems