May mga pagkakataong ako'y nanghihina dahil sa sunod-sunod na problema Mga pagkakataong akala ko hindi ko na makakaya Ngunit pinatatag ako ng Panginoon Kung hindi dahil sa Kaniya ay hindi ako makararating sa kung nasaan man ako ngayon.
Hamunin man ako ng mga pagsubok at problema Panalangin ang aking sandata. Hahayaan ko lang muna ang aking sarili na lumuha sandali Pagkatapos ay lalaban muli.
Kapag ako'y nalulungkot, sinasarado ko bawat bintana at pintuan ng aking mundo Nagninilay-nilay tungkol sa nararamdaman ko Hindi ako nag-iisa, kasama ko ang Ama Pinaparamdam Niya sa akin ang kaniyang pagmamahal at awa.
Pangako Ama Paglilingkuran Kita Itong kaloob **** lakas at buhay Hinding hindi ko gagamitin sa pagsuway.
Patatagin Mo nawa Iyong hinirang ay bigyan mo ng pag-asa Gawin Mo akong malakas Ama Sa mga panahong ako ay nanghihina.