Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang buwan Agosto, ako'y sigurado na hindi sayo titibok ang puso Ngunit pagsapit ng Setyembre, damdami'y biglang nagbago Ngayon lang ba natanto na noong Hulyo pa napukaw ang damdamin? Sa pag-iingat sa aking puso ay tuluyan na ngang nahulog Bigla na lang natakot na sa'kin ay ika'y mawala Kaya nama'y walang ‘sing tamis ang ating pag-iibigan pagdating ng Oktubre Kahit nagtatalo ay mas nangibabaw ang pagmamahalan Subalit lalo lang lumala at nagkalabuan noong Nobyembre Ako'y nakapagsulat ng tula para sa'yo, mahal ‘Yon nga ba ang nagsalba sa ating dalawa? Disyembre, alam kong pagod ka na Gayunpaman ay pilit kong diniligan ang ating nalalantang pagsinta Ngunit imbis na diligan ay aking binuhusan kaya naman ika'y nalunod At nang ating salubungin ang bagong taon, ako nga'y tuluyan **** binitawan Hindi na sinuyo, wala ng paramdam
Masyadong mabilis ang mga pangyayari ‘Di malaman kung saan gusto bumalik— noong Hunyo bago sa'yo'y nagkagusto upang pigilan nang mas maaga ang nararamdaman o Disyembre upang maitama ang aking pagkakamali Hindi naman inaakala na ganito magtatapos noong tayo'y magkalapit noong Abril Hindi na ba tayo masasalba ng aking tula sa pangalawang pagkakataon?
Maraming posibleng mangyari sa loob ng isang linggo Marahil ay iyong pinagpatuloy ang iyong paglakbay Habang ako'y nanatili sa lugar kung sa'n ako'y iyong iniwan