Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali.
Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya.
Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya.
Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta.
Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba.
Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin.
At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya.
Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon.
Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.."
Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit.
Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin.
At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.