Ako’y isang hamak na manunulat Kung ako’y tatanungin sa yaman ako’y salat Pagdurusa’t hirap nakaukit sa aking balat Gutom at pighati aking dinadaan sa masinsinang pagsulat
Mensahe ng aking tula paghihirap ang paksa Pluma at papel luha ang siyang tinta Galak at tuwa iguhit mo at ipinta Pangakong aliw at ligaya iaalay sa’yo sinta