Dumating akong hindi inaasahan ng iba Maging anino man ay hindi makita ng mata Ako ay mapamuksa sa kanila At aagaw sa buhay ng mahal nila
Bakit nga ba ako naparito Maging ako ay nalilito Kasalanan ko ba na maging bunga ninyo At ako'y pinapatay uli ninyo?
Marami akong gugutumin Marami akong papatayin Marami akong paaminin Kung sino ang sakim!
Maraming lalabas ang kulay Uunahin ang sariling buhay Pababayaang mamatay Ang walang sariling bahay
Gusto ko sa matatao Sa matitigas na ulo Dun sa mga nag chichismisan sa dulo Na puro kuro-kuro
Ganyan ang mga tao Sa gitna ng delubyo Mahilig silang magtalo-talo HAHAHA ako ang panalo!
Ngunit hindi naman lahat at mayroon ding nagpapagal At ipanalangin na ako'y hindi na nga magtatagal Ginagamot ko lang ang daigdig ng kaytagal Nang nagdurogo sa kamay ng mga hangal