Ano nga ba ang “IKAW” sa ako? Ikaw ba ‘yung taong pag-aalayan ko? —pag-aalayan ko ng saya, tuwa, oras, puso at buhay ko? O ikaw ba ‘yung taong magpapaluha, maninira o guguho sa aking mundo?
Sino nga ba ang “IKAW” sa akin? siguro ikaw na ‘yung matagal ko nang- pinapanalangin, siguro ikaw na ‘yung may mukha at may mga matang mahinhin, ikaw na siguro ang nakatakda kong mahalin.
Teka lang, eh, “AKO”? Ano nga ba ang “AKO” para sa’yo? Siguro naman mayroong “AKO” diyan - sa puso mo? Siguro naman may “AKO” na siya ring ipinagpanalangin mo? Siguro naman may “AKO” rin diyan sa buhay mo ?
May “IKAW” at “AKO”, ibig sabihin – mayroong “TAYO”. Ang mahalaga may “TAYO” kahit hindi ito klaro. Hindi man itinadhana, minsan pa ring namuhay sa iisang mundo. Hindi man pinagtagpo, magkarugtong pa rin naman ang mga puso.