H*llo Poetry
Classics
Words
Blog
F.A.Q.
About
Contact
Guidelines
© 2024 HePo
by
Eliot
Submit your work, meet writers and drop the ads.
Become a member
MM
Poems
Nov 2019
kulimlim
Pumatak ang ulan, unti-unti
Kasabay ng pagbugso nito ay ang musika na ikaw lamang ang nakakarinig
Sinubukan **** silipin ang mga tala na nagtatago sa likod ng mga ulap
Ngunit ngayong gabi, maging sila ay mailap
Isang awit ang nagwakas at isa pa ang muling nagsimula pero nandito ka pa rin
Hindi pa rin maihakbang ang mga paang tila nagapos sa kalungkutan at pag-iisa
Masyado na ata silang nasanay na walang naghahanap, na walang tumatanggap
Kaya hetoβt kahit usigin mo ay hindi bumibitaw sa kawalan na tila walang nakakaramdam kundi ikaw
Wala pa rin ang iyong hinihintay
Titila na ang ulan at maaari ka nang magtampisaw sa naiwan nitong buhay
Ngunit wala pa rin ang iyong tinatanaw
#tagalog
#pagibig
#pagkabigo
Written by
MM
F
(F)
Follow
π
π
π
π
π
π€―
π€
πͺ
π€
π
π¨
π€€
π
π’
π
π€¬
0
614
Gamaliel
and
Random Guy
Please
log in
to view and add comments on poems