Yung naka 3-in-1 nga ba? Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa? Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba?
Pwede rin yung sweet, Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit.
O kaya, yung purong-puro din? Yung matapang na at kaya kang gisingin sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin?
Ano nga ba talaga gusto **** timpla?
Eto, kape, asukal at iba pa. Ikaw na ang bahalang magtimpla. Dahan-dahan lang at 'wag madaliin, Bawat patak ay iyong lasapin. At sa tamang oras ay makukuha mo rin ang inaasam-asam ng iyung damdamin.
Kahit matatagalan man ay ayos lang Kahit magkamali ay okay pa din naman, basta't makukuha mo yung lasang matagal mo nang inaasam-asam.
At sa tamang panahon, yung mga tamis at paet ng kahapon ay hamak na magiging leksyon sa pagtimpla ng perpektong lasa.