Sa bawat oras na kayakap kita, Piling mo'y palagi kong ina-alaala. Sa bawat oras na nagsasalita ka, Mga ibinibigkas mo'y pawang musika sa aking tenga.
Sa bawat oras na tinitigan kita, Para akong nasa langit nakatulala. Pero lahat na ito, totoo nga ba? Hindi ba tayo nilalaro ni tadhana?
Gugustuhin ko man maniwala, Ano pama'y aking magagawa? Kung lahat na ito'y isang panaginip na gawa-gawa? Nagmamaka-awa ako ****-usap ko'y dinggin niyo na.
Sa bawat oras na kasama kita, Palagi kong itinatanong sa Maykapal, Ito na ba talaga? Ikaw na ba talaga iyan?
Ngunit noong hinawakan ko ang kamay mo, Bigla akong nagising sa katotohanan. Lahat lang pala iyon ay isang panaginip lamang. Ah, tama ang hinala ko.
Hindi nga talaga pwede na maging tayo. Kase alam ko na ang ikaw at ako. Ay isang kalokohan na gawa-gawa ko. Isang walang kwentang kathang-isip na gawa ko.
Ah, kaya pala nagising akong luhaan. Dahil binigyan ako ng isang magandang kasinungalingan. At sa pagmulat ng aking mata, Binigyan ako ng isang mapait na katotohanan.
Bakit ko pa ba napaniginipan iyon? Kung alam ko na sakit lamang ng puso ang makukuha ko. Hay naku! Ang sakit ko namang managinip. Isang napakasakit na mapag-isang panaginip.