bawat kumpas ng segundo sa orasan ay may katumbas na inaantok na pagkurap, biglaan naman ang pagbuhos ng ulan marahil hindi na kinaya ng mga ulap ang bigat ng dalahin nitong ulan
ang pagtangis ng kalangitan ang sa akin ay nagpatahan
ako marahil ang kontrabida sa istoryang ito
patawad.
dahil hindi laging tayo ang bida at sa kwento ng iba, tayo ang masama...