ako'y pupungas-pungas ngunit pinili ang mata'y isarado pinilit matulog, nagbabakasakaling ang payapang panagip ay bumalik;
ako'y nasa lugar na nais sa lugar na lahat ay tunay, sa lugar kung saan walang madla, sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama sa likod ng ngiting pinapakita.
nakaupo sa pino ngunit puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, at pinapakinggan ang tila walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan
isip ko'y binabaha ng mga salitang hindi mailabas, sa tahimik na lugar na nais nagtanong sa sarili, "mayroon pa bang saysay itong buhay na walang halaga?"