Kay tagal kong hinahanap ang sarili,patuloy parin ang lungkot at nananatili Ang isip ko'y gulong gulo , Akala ko'y kalmado na ang lahat , subalit meron parin akong lagnat Sakit na habang buhay ng nasa aking katawan , kinakain paunti-unti hanggang ako'y magpaalam, Utak ko'y sirang sira na pinagsama ko kasi ang lungkot at saya
Ang alak na ngayo'y aking muling tinikman ganun parin ang lasa , lasa ng kalungkutan, Mga taong aking nakilala , aking iniwanan para lang mahanap ang kaligayahang inaasam-asam Bumuti lang ako ng ilang porsyento , bagkus may mga bagay na hindi perpekto Dahil ang ugat ng ito ay nakatanim sa aking pagkatao , kaya't hanggang ngayon ako'y isang Preso.