Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit,
Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis
Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi
Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang
Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay”
"Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."