Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tayo
Hindi inaasahang napadpad ako sa iyong kaharian, Kung saan ako’y pinagsilbihan at inalagaan, At sa bawat minuto na nasa piling mo ako, Tila ba isang panaginip na ayaw kong huminto. Ngunit mali ‘tong nararamdaman ko, Sandata ko’y hindi kumpleto, Hindi ka nga pala handa’t sigurado, Para ipaglaban yung nararamdaman mo. Heto ako paulit-ulit na naniniwala, Pilit pa rin na umaasa, Na baka bukas kamay ko’y hawak mo na, Wala ng takot at pangangamba. Pero kahit ako lang ang lumalaban, Kathang isip lamang ang “tayo” sa aking isipan, Hindi man ako yung prinsesa na para sayo, Mananatili ka sa aking puso, prinsepe ko.
0
Jun 9, 2023
Jun 9, 2023 at 10:15 AM UTC
Prinsepe
Milya milya man ang layo mo, Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko, Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin, Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan, Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo, Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita, Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko, At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko, Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay, Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig, Hanggat nandito ka sa puso ko, Mananatiling ikaw hanggang dulo Mahal, Gusto kong malaman **** Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo, Wala ng papalit sayo dito sa puso ko. Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 6:55 AM UTC
Mga milya
Maraming magagandang tanawin Ngunit sayo parin ako nakatingin Magagandang lalawigan Subalit sa tabi mo parin babagsakan Mga magagandang bulubundukin Mga magagandang ilog Mga magagandang tanawin Sabay nating pinaginip Alam kong umiiwas ka na Alam kong huli na Alam ko ring lumisan ka na Ngunit ang tanging alam ko'y mahal parin kita Sinta pagbigyan mo na ako Alam kong marami pang babae sa mundo Ngunit ikaw at ikaw lamang ang pipiliin ko Kahit hindi mo na ako piliin sinta ko Kahit gano pa katagal yan sinta Kahit mahigit tatlong taon pa yan Hihintayin kita ng hihintayin marikit na dalaga Kahit magalit na ang mundo sa akin sinta Parang mga binhi lamang ito Hihintayin kita umusbong muli mahal ko Didiligan kita ng pagibig ko Hanggang maging magandang tanawin na muli tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 2:27 AM UTC
Tanawin
Sa isang istorya Na nagpapatunay na Mahal Kita Kwentong tayo ang lumikha , Ikaw at Ako ang nakakaunawa , Oh kay sarap ding'gin Kapag sayo nang gagaling Ngunit sa panaginip lang aasamin Tinadhana kaya ng maykapal O sagot sa aking mga dasal , Pinagtagpo bakit tila napakalayo Nagkasama bakit tila napakalabo Pagmamahal na iyong ipinaranas Lalasapin bawat oras Ikaw , Oo Ikaw Ikaw na minahal ko , Ikaw na inasam ko , ikaw na pinalangin ko , na sana'y din'gin mo Kahit na wala ako . Sadyang nakaka baliw ang mundo , Minsan nakakainsulto , Kung kailan mo natagpuan doon nasayang , Kung saan naging masaya doon biglang natapos , Kung kailan mo naramdaman ang buhay doon ka unti unting pinapatay Bakit ? Bakit ? Bakit may katapusan? Naging masaya pero bakit sandali ? Bakit kung kelan ako nakabuo ng kwento'ng tayo ang bida saka ka nawala aking istorya Iaasa pa ba sa panahon ? Isisigaw hanggang tumahan O Ipapaagos nalamang sa mga alon Hihintayin pa ba ang pagbabalik ng dati ? Noong Mahal mo ako at mahal kita , Noong sabay sa pagtawang walang humpay Mga ngiti **** pamatay Mga mata **** walang humpay na nakakapukaw ng atensyon Dating ako, ikaw, ang diyos at ang tayo Hanggang dito na lang ba ? Hanggang sa ala-ala nalang magiging masaya ? Hanggang dito nalang ba ang istorya ? Sa isang imahinasyon'g Ikaw na walang ako At tayong walang tayo?
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 7:01 AM UTC
Istorya
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
Masakit ba? Hindi naman Hindi naman pwede. Hindi naman mangyayari. Hindi naman sasagutin. Hindi naman mapapasaakin. Masakit ba? Hindi naman. hindi nga naging tayo.
0
Jul 13, 2018
Jul 13, 2018 at 9:39 AM UTC
Hindi naman talaga
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan ng mga matatanda, na mas mahalaga ang nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa. Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig na wala ng pag-asa. Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita. Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw. Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na? pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na kahit buong pisngi ko'y namamanhid na. kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala. Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa. Wala ng pagasang makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama kang mamatay hanggang sa pagtanda, Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako. Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko". Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko na binalewala at sinayang kasi natatakot ako. natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
0
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:58 AM UTC
AYOKO

Continue reading...
30
magkaibang panig ng iisang daan nagsalubong sa iisang punto ang punto ng alanganin nating dalawa lilisan pa ba o mananatili na lamang sa bawat saglit ng sandali pinili ang dalawang bagay para sa iisang katauhan tila ba ang sakit at saya ay iniinda walang katapusang posibilidad 'oo' at 'hindi' ang dapat na makatapat ngunit bakit napupunta sa iba't ibang panig hindi na alam ang nararapat piliin sa huli, tayo ang may pananagutan sakit, tuwa, poot at galit aanhin at dadamhin ng ating kaluluwa pagod na pagod sa pag-ikot ng mundo
0
Apr 2, 2018
Apr 2, 2018 at 11:13 PM UTC
nasa pagitan
Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga Pero ano ba talaga ang problema? Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw ang nasa isip ko Sa bawat oras na magkasama tayo, walang ibang tumatakbo sa utak ko Sa bawat oras na magkasama tayo, labis na ligaya ang nararamdaman ko Pero ano ba talaga ang problema? Sa tuwing kasama kita, iba ang nasa isip mo Sa tuwing kasama kita, ibang tao ang tumatakbo sa utak mo Sa tuwing kasama kita, iba ang nararamdaman mo Ito ba? Ito ba ang problema? Ang problema, nandito naman ako pero iba ang hinahanap mo Ang problema, nandito ako sa tabi mo pero ibang tao ang nais mo Ang problema, NAGPAPAKATANGA AKO KAHIT NA ALAM KO Oo alam ko… Na siya ang gusto mo
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 11:52 AM UTC
Ano ba Talaga ang Problema?
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon Nagbabakasakaling malilimutan ka rin Ginawa na ang tamang desisyon Na sarili naman ang bibigyan ng pansin Sinusubukang kalimutan ang mga alaala Na magpapabalik ng aking dadamdamin Idinilat ko na ang aking mga mata Sa mga bagay na maari kong sapitin Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata Sinubukan ko At pilit na sinusubukan Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala Lugar na aking kinamumuhian Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat Mahal, hihintayin kita Hihintayin ko ang pagbabalik mo Hihintayin ko kahit imposible naman ito Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako Maghihintay ako Ngunit mahal, hindi ko maipapangako Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako Dahil mahal, tao din ako Gusto ko din na pahalagahan ako Gusto kong mahalin ako Yun nga lang gusto ko galing sayo Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo Kaya mahal, maghihintay ako Habang minamahal ko ang sarili ko Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa Sana mahal, maintindihan mo Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
0
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:49 AM UTC
Maghihintay ako
Kadilima'y bumalot, Mata'y di makakita, Ang sarili'y natakot, Ng bigla kang nawala.
0
Jun 30, 2017
Jun 30, 2017 at 6:19 AM UTC
Dilim
Tigil na tayo, mahal. Ramdam kong natabunan ng isang pagkakamali ko ang lahat ng mga alaalang nabuo natin. Na kahit ilang beses man tayong bumalik sa isa't isa, patuloy kapa ring magdududa at patuloy **** babalikan yung araw na bigla akong nawala. Paulit ulit mo pa ring ipapamukha sa akin kung paano ako biglang naglaho nung mga panahong ikaw ay nagbabago para sa akin. Habang ako, ni minsan hindi ko sinubukang isumbat sa'yo ang biglaan **** paglisan nung mga panahong ikaw ang naging lakas ko. Nang minsang nagkamali ka at nilamon ka ng tukso, hiniling ko pa din ang pananatili mo at nagpatawad ako. Oo, pinatawad kita. Pero minsan, hindi padin pala sapat ang pagpapatawad. Ang sabi mo ay nilalamon ka ng iyong konsenya, kaya pinili mo pa ding lumisan. Pinigilan kita, pinili mo pa din akong bitawan. Tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo. Habang mayroon pang natitirang magagandang alaala na binuo nating dalawa. Habang may babalik tanawin pa akong mga ngiti, kilig at tuwa sa bawat sandali na tayo'y magkasama. Bago pa mapalitan ng mga luha at hinagpis ang mga alaalang ayokong mabura, tigil na tayo, mahal. Ayoko nang ipilit pa. Ayoko nang manatili sa isang bagay na sinusubukan kong ipaglaban ngunit pilit **** pinagdududahan. Higit sa lahat, ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapat-dapat akong piliin kahit sa sandaling panahon na iginugol mo sa akin. Tigil na tayo, mahal. Baka talagang hanggang dito nalang. Sapat na ang munting sandali na naging masaya ka at ako. At sa ganong paraan ko gustong maalala ang "tayo". Salamat mahal, hanggang dito nalang tayo.
0
Mar 14, 2017
Mar 14, 2017 at 10:44 AM UTC
Tigil na tayo, mahal

13
Ikaw, Ang Kahapon, Ngayon, At Bukas.
0
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 10:08 AM UTC
Mapanahon
Umaasa ako Umaasa na may pag-asa tayo Umaasa na nagbabakasakali Umaasa na maging tayo Mahirap umasa Pero sa totoo lang Aasa ako para sayo Baka pwede... Sa isang sulyap ng ngiti mo Natutunaw ang puso ko Pilit na itinatago ang nararamdaman O tila manhid ka lamang Ngunit nakakapagod Nakakapagod na habulin ka Na bigyang saysay ang mayroon tayo Ano nga ba ang mayroon tayo?
0
Dec 5, 2016
Dec 5, 2016 at 4:59 AM UTC
Sa Saglit na Kilig
*Masakit man ay papalayain na kita Oo. Pinapalaya na kita Malaya ka na sa imahinasyong sa dulo'y may matitirang tayo*.
0
Nov 19, 2016
Nov 19, 2016 at 4:09 AM UTC
Oras na
Para sa ulap na di ko maabot Para sa pasang di magamot-gamot Para sa halik na di malilimutan Para sa akalang hanggang akala nalang Para sa ibong di makalipad Para sa pangarap na di ko matupad Para sa bukas na di ko na masilayan Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang Para sa bagyong di matapos-tapos Para sa hawak na nagmumukhang gapos Para sa panaginip na di ko mabitawan Para sa sanang hanggang sana nalang
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 12:18 PM UTC
Para Sayo