Kita kita bilang isang kaibigan Bilang isang kakwentuhan Laging kasama sa lahat ng mga kalokohan Kita kita, kaibigan.
Sana kaibigan ay kita mo rin ako, Kita mo rin ako bukod sa pagiging kakwentuhan mo Bukod sa laging kasama sa lahat ng kalokohan mo Sana kita mo rin ako.
Di ko alam kung ano ang dapat maramdaman Kapag tinatawag mo ako bilang kaibigan Kahit minsan kitang kayakapan Tuwing namomoblema sa mga problemang dapat lampasan.
Ngunit alam kong hindi ako Hindi ako ang gusto mo Mahal mo, hindi ako. Oo. Matagal ko ng alam ito ngunit pinili kong magpakagago At bulagin ang sarili sa sa'yo. Bakit? Kasi ikaw ang gusto ko! Kasi ikaw ang mahal ko! Pero, hindi mo kita ang isang tulad ko.
Minsan, ayaw ko ng isipin ang mga problema ko Lahat ng problemang bumabalot at sumisira sa mundo ko Wala! Wala ng luhang lalabas sa mga mata ko Wala ng tubig ang aagos sa mukha ko.
Kung kaya't hinihiling ko na sana Takpan na lang ang aking mga mata At tsaka ako bulungan sa tenga, "Magiging maayos rin ang lahat kaya magpahinga ka muna. Tumigil ka muna sa pagpapakatanga sa taong nakatingin naman sa iba. Huwag kang mag-alala, ilalayo kita sayong mga problema. Pipigilan ko ang luha mula sa'yong mga mata. Hindi ko hahayaan na may tubig na muling umagos sa iyong mukha. Dahil gusto kita. Mahal kita.