Tinanong ako ni Annah Kung maayos na tayo Ang sabi ko Ayon, normal naman.
Normal Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang? Ah. Naaalala ko na.
Nagsimula tayong maging normal Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba At kapag naman kailangang ikaw Ang unang magsisimula ng usapan Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila Ang nakaiilang na atmospera Sa pagitan nating dalawa.
Nagsimula tayong maging normal Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam May kasabay ka kasing iba.
Nagsimula tayong maging normal Nang nahihirapan na kong Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko (Pwede kaya kong sumabay sa kanya?) Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.
Nagsimula tayong maging normal Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan Pumunta ka pa talaga sa kanya Ganyan ka kailang?
Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba? Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko Na bukas palad na tinanggap ka Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba? At bahagi din ng pagiging normal natin Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?
Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan. At isa akong napawalang kwentang kaibigan Kasi hindi kita napatahan Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa Wala akong karapatang masaktan Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin Gayong para na rin kitang iniwan Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin Wala akong karapatang manumbat Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin Kung ano nang nangyayari sa iyo Kaya mo pa ba? At hinding hindi ko rin aangkinin Ang karapatang sa una'y wala na sa akin Na maging sandalan mo Sapagkat hindi ko man lang nasabi Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin Ayaw mo, oo Kasi sa tingin mo pabigat Ayaw mo, oo Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan Na paulit-ulit lumalamon sayo Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik
Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon Hindi lang ikaw ang nang-iwan Iniwan din kita Iniwan kita Patawad Patawad Pakiusap, patawarin mo ko.
Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan
Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo Kaya madali mo 'kong nakalimutan.
Huli kong bulong sa sarili 'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'