Hindi ko alam kung saan sisimulan Kung paano tatapusin itong aking liham Ni hindi ko alam kung kakayanin ko pa Ang salitang "pamamaalam".
Hindi ko alam kung mababasa mo pa to. Hindi ko rin alam kung naririnig mo pa ko. Kung kaya pa bang mabasa ng mga mata mo at marinig ng mga tenga mo ang nais kong sabihin para sa'yo.
Maraming mga alaala ang iyong iniwan Maraming pangako ang hindi na masusulyapan Mga bagay na dati'y pangkakapitan Ngayo'y bibitawan na sa iyong paglisan.
Gayunpaman, maraming salamat Hindi ko man masasabi dito saโyo ang lahat Pero Mahal na mahal kita at yun ay tapatโฆ