Di ko alam paano magsimula, Di ko rin kasi alam kung paano "ito" nagsimula. Kung paano mo ginising ang puso kong himbing na himbing. Kung paano mo ginawang makulay ang boring kong buhay.
Saglit lang ang panahon na tayo'y nagkakilala Pero sa panahon na yon pinaramdam mo sakin pa'no maging masaya, Pinaramdam mo sakin kung pa'no tumawa sa likod ng mga problema. Binigyan mo ng kahulugan ang buhay kong walang pakinabang. Binigyan mo ako ng rason para gumising at bumangon sa umaga, at inaasam kong marinig ang matamis **** tinig, masilayan ang mga ngiting **** daig pa ang araw sa pagbigay ng liwanag na sa akin at pumukaw.
Di ko na alam paano paano to tapusin, Basta't ang alam koy ayaw ko muna to'ng tapusin.