"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala." yan ang sabi mo sa akin noon buti nalang hindi na ako naniwala dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko "patawad" lang ang naisagot ko hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip dahil ang salitang ito salitang nanghihingi ng kapatawaran mo ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan ng "patawad" noong simula palang "patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko hindi na ako naniwala "patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to kaya hindi na ako naniwala "patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad" halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad" sana patawarin mo ako dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw at akala mo ako ang nauna pero hindi, hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
naglalakbay ang utak ko, pasensya na tumigil sa harap ng ala-ala mo.j