Sa sandaling iwan kita, Ay doon ka naman lalabas Habang tahimik na nanunulsol, Upang hindi ako makatakas
Subalit ako'y bukod tanging nasasakal! Ang hininga'y bumibilis sa iyong pagdating Pakibit balikat akong nagdarasal, "Huwag mo sanang tapatan ng iyong patalim."
At sa oras na matapos ang nginig, titingin nalang sa oras habang nakapikit. Ang aninong nagmumulto galing nakaraan Ang nagdala sa aking kinahahantungan.