Mahal, kaya ko pa Kaya ko namang maghintay kahit sa huling sagot mo pa'y Ayaw mo na Mahal, kaya ko pa Ilang beses nang dumaan Yung mga pagkakataong bitawan ka Pero mahal, ayoko Iba ka sakanila Kung dati'y nahahayaan ko pa Mahal, pasensya Kung ikaw kasi ang pinaguusapan talagang di ko kaya ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo ngunit di gagalaw tong mga paa ko Kasi mahal, Alam ko namang ayaw mo rin Pinipilit mo lang naman sa sarili mo na masyado pang maaga na mali kaya mo ko inilalayo sayo Kaya magpapakatanga ako Pwede bang hayaan mo ko? Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko Di pa ba sapat na hayaan mo ko? Sige, mahal Ayos lang Ipilit mo sa sarili mo Ilayo mo ko, Paghintayin ako Mahal, kaya ko pa Wag mo lang naman sanang ipilit na ginagago kita At kung naghihintay ka lang na sabihin kong Di kita mahal Pasensya, Ako na mismong nanloko sa sarili ko Kung ginawa ko man yon Mahal,Β Β ipilit mo nang lahat Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman, Kasi mahal, Tangina, Mahal talaga kita