Ipapadyak kanilang mga paa Walang lihim na ngiti, Tapat lamang at tunay ang pagbahagi.
Siyang may kulay ang mga pisngi Kaya't hindi sawi ang pagsaboy ng kahulugan. Hinayaan nilang umagos nang kusa Kahit napapagal ang tila may lakas na katauhan.
Hindi matatawaran Ang pagsuyo ng tunay na galak At sa kabila ng kanilang kamusmusan, Alam na alam nilang ito'y tiyak.
(Nakakakita ako ng tatlong mga bata. Nakakatuwa't bakas sa mukha nila ang tawanan habang angkas ang dalawa ng tila nakatatanda sa kanila. Minsan lang maging bata, ako'y nabihag ng tunay na ligaya ng kamusmusan.)