Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun.
Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig.
Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat.
Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam **** hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam **** ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo.
Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo.
Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.