May gusot sa kalendaryo ng puso, Kaya't muli kong binalikan ang eksaktong petsa. May punit ang pahina, Kaya't kumuha ako ng pandikit Para sa may lamat na larawan.
Taong dalawang libo't labing-apat, Nalalabi ang oras sa libingan. Hinukay ko sa'king memorya, Baka sakaling ang ugat ay may nutrisyon na.
Dinampian ko ang sarili ng panyong maputi, Sigurado akong hindi na mamantsyahan pa. Pero pagsilip ko'y may misteryong bumalandra, Ngalan mo'y nakaukit pa rin pala sa tadhana.
"Kailanma'y hindi ako sumuko sayo, bagkus ako'y sumukob sa mistulang hindi payak na istilo ng pag-ibig --- ang paghihintay."