I. Akala ko dati masaya mag-isa, Pero hindi pala. Darating ang mga gabing malulumbay ka. At pakiramdam mo iniwan ka na nila.
II. Akala ko dati kaya ko mag-isa. Pero hindi pala. Dahil kahit anong mangyari, Kakailangan mo pa rin sila.
III. Eto ang isa kong natutunan sa buhay, Sa mundong ito kailangan mo rin ng karamay. Kahit sino, basta’t mapagkakatiwalaan. Pwedeng kaibigan o ka-ibigan.
IV. Masaya naman talaga minsan– Ang mamuhay mag-isa. Nagagawa mo ang lahat ng naisin mo. At tiyak na hawak mo ang oras mo.
V. Pero mas masaya mamuhay ng may kasama, Kahit isa lang basta tunay siya. Yung laging nariyan para ika'y damayan, At kailanman hindi ka iiwan.
VI. Yung taong makakasama mo sa kalokohan at– Yung taong kasundo mo sa lahat ng bagay. At kung sakaling natagpuan mo na s'ya. H'wag mo na s'yang papakawalan pa.