Minsan, di ko wari ang pagkatha ng tula Ang salamangka ng inspirasyon, Saan nga ba mas mainam na hukayin? Mahuhugot ko ba ang mga tugma Sa nakaraan, ngayon o bukas?
Hindi ako magiging malalim Na tila baga walang himpil na hangin. Hindi ako magiging makata, Sa puso **** minsaβy tila walang pandama.
Magiging madamot ako sa salita, At sa paghihimay-himay ng mga kataga. Hindi ako gagamit ng pandiwa Na tila baga ngayon, pero pambukas pa pala.
Mahal kita, simpleng mga salita Pero sa sobrang simpleβy, nadarama mo pa kaya? Mahal kita, may tutugon ba? O marahil ang pag-ibig, mawalan din ng pagkukusa.