Sinuot ko ang mata, nang manlabo sayo Mapagbalat-kayo na naman, Pati ba maskara'y susuotin sa harap mo?
Sa pag-istambay mo'y may daplis ng mata, Ni hindi nga nasilayan iyong angkas. Pagkat umaanod ang puso, Takot sa bakal na lambat.
Ngalan ko'y sambit ng di kilalang tinig, Kaya't ako'y napalingon, Hindi sa puso mo't baka mapasabit. Siyang angkas mo'y siya palang kadugo rin, Napabuntong-hininga, pagkat walang iba.
Makitid sa utak kung pagbubulay-bulayan pa, Hindi makatakbo ang pusong napatid sayo, Pilit na nagtatapon ng panandang may tanong, Baka sakali, baka sakaling masaklolohan mo.