Baka nalason na siya sa usok Na binubuga ng mga nakababahing na mekanismo. Siya'y nalulumbay kaya't ako'y nabihag niya, Nabihag -- nabighani Sa kanyang kumikinang na pustura, Siyang bughaw na bistida at magbabagong-bihis pa.
Umiiyak siya, kaya't hindi ko na ininda, Nagbakasakaling mapatahan siya -- Nang di bumugso ang galit Patungo sa konkreto't pinira-pirasong bakal Pagkat mga abang, ni hindi ninais na maugatan.
Bulong ko ang lihim na pagtingin, "Anuman ang iyong kulay Ang dilag mo'y kabigha-bighani Kaya lubos kitang iniibig, Aking panghabangbuhay na kaibigan, O Langit na Irog."