Isang salitang hindi maikakaila. Na may sampung titik na mailap makuha. Isang salitang nais na ibandila, Pinapangarap ng ating buong madla.
Kapayapaan... Isang salitang may sampung letra...
Pag-asa...
Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga. Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa. Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa, Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.
Pag-asa... Isang salitang may anim na letra...
Pag-ibig...
Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan. Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan? Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan. Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?
Pag-ibig... Ikaw ay nasaan?
Kapayapaan ang gusto ko. Pag-asa ang nais ko. Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...