Una kitang narinig Pero iba pala kapag naririnig at nasisilayan Alam mo bang nakakakilig Kahit yung kinakanta mo ay tungkol sa lokohan, kabiguan o kalungkutan
Ewan ko kung napansin mo akong tulala sayo Habang kumakanta ka at may kaunting pangiti ngiti Tignan mo gumawa ako ng tula para sayo At yung puso ko tuloy palihim na tili ng tili
Pagkauwi ko galing sa Sev's Cafe Di ko pa din malimutan yung oras na magpapapicture ako sayo Muntik na akong di makagalaw at sumigaw ng mayday! mayday! Nang sabihin **** "teka maglugay muna ako"
Hayaan mo na yung mga taong nasa kanta **** PAWS Kung sakin lang araw araw ka sanang may rose Lumipad man yung isa sayo palayo Tayo naman ay tatakbo at lilibutin ang mundo
Pag nagkita tayo ulet ang sasabihin ko ay Hi Crush! Kaya lang yung pisngi mo kaya ay mag blush? Sabayan mo sana itong gusto kong kantahin Mejo nirevise ko yung favorite part mo sa antukin
Eto na
Sasalubungin natin ang kinabukasan Ng walang takot at pangamba Tadhana'y merong tip na makapangyarihan Kung ayaw may dahilan Gusto kita kaya ginawan ng paraan