Madalas naiisip ko… ‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko? Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko? Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko? Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto..
“Pagod na ko” Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako “Pagod na ko” Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko “Pagod na ko” Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko “Pagod na ko” Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko
Para akong bata na gustong mag-recite Pero iba pinipili ng **** ko Para akong pumapara ng jeep Pero namimili ng pasahero ang drayber nito Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo Kahit na alam kong masasaktan lang ako
Umasa ako. Pasensya na. Kasalanan ko.
Sabihan na nila akong tanga Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko Sabihan na nila akong mababaw Dahil nahulog ako kaagad sayo Sayo.. Sa mga simpleng kilos mo Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko
Ako lang pala Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo” Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng “ikaw at ako”