Naramdaman ko ang pakiramdam na hindi tayo nagauusap kaya't kahit ano pa ang mangyari wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin.
Ayoko na ito maranasan muli dahil mas masakit pa ito kaysa sa pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap sa isa't-isa habang ika'y siksik na siksik na at sinusubukang huminga.
Nakakalunod ka.
At kung dumating man ang araw na sa sobrang galit mo saakin ay hindi na tayo maguusap, alalahanin mo na minahal kita higit pa sa inakala kong kayang mag mahal ang isang tao.
Minahal kita parang sa pagmamahal ng tao sa hangin.
Kinakailangan kita.
Nguni't alam ko na mabubuhay ako sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko, at pinagtatawanan ko ang mga magkasintahan na sinasabi sa isa't-isa na ikamamatay nila ang pagkahiwalay nilang dalawa; mga inutil.
Alam kong mabubuhay ako nang hindi ka makakausap tuwing gabi't sinusubukan kong ilunod sa dagat ng muhika ang mga boses sa tenga ko. Alam kong mabubuhay ako na wala ka nguni't ayoko.
Kaya't pagpasensyahan mo na kung hirap akong huminga kapag di kita kausap. Alam kong kat'hang isip lamang ang pagkawalan ko ng hininga nguni't sa isip at sa puso ko'y ito ay totoong totoo. mahal kita pagpasensyahan mo na.