Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2015
ito ang siyang giit ng hangin.

ano mang tindig ng puno
ay kayang baluktutin ng
hampas ng latigo nito.

binabalinguyngoy na ang
mga bato sa
lalim ng dilim.

ito ang siyang giit ng buwan.

ano mang sagisag
ng dilim ay kaya nitong burahin.
hayaan lamang ang pag-bagsak nito
sa hubad na imahe ng lahat
ng bagay na lasing sa katahimikan.

bumubukadkad nanaman
ang bulaklak ng pag-iisa.

ito ang giit ng pag-ibig.

ano mang saplot ang suot
ng pag-tangis ay kaya nitong
hubarin -

hayaan nating bukas ang mga bintana,
at damhin ang lahat, abot-tanaw
  at papalapit ng papalapit,

tulad ng hangin,
tulad ng buwan,
tulad ng pag-iisa.
Para sa imoha.
Windsor I Guadalupe Jr
Written by
Windsor I Guadalupe Jr  Bulacan
(Bulacan)   
4.1k
   --- and Isabelle
Please log in to view and add comments on poems