Ang pagpara'y naging daan Hindi alintana ang trapik Kumukutitap ang asul Patungong berde ng panimula.
Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim Medyo napasilip, kahit saglit Biglang nautal ang pag-iisip Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito.
Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko Baka ang bukas ay maging ngayon, Yan ang isip ko.
Panandalian akong napatingin Medyo kumakapit sa bakal, Ibababa ko ang mga kamay Sabay paulit-ulit lang, Pagkat nakakangalay.
Kaya pala ang bagal nang takbo mo Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin Hindi ka man lang lumingon Hindi ka man lang napatingin Kahit distansya nati'y Segundo lang ang milya Ganoon tumibok ang oras.
Napapikit ako Nagulat pagkat tama ang akala Hindi nais na ganoon ang pagkikita Akala ko kasi'y lumisan ka na Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik Pero haharurot sa kalsada, Naghahari-harian sa eksena.
Hindi ako galit sa tadhana Na naglalapit sa atin sa isa't isa Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada.
Napakapit ako sa bilis ng takbo Ang pusong walang tibok, Walang mintis kung sinusubok Nangangalay ang pagtitiis Ang hirap pala ng posisyon ko, Tinatalikuran, dinaraanan lang Nilalagpasan lang, Nauusukan, nasasaktan Ayoko na lang sa backride.