Pero aaminin ko Ang sayang tignan ng mga Ngiti mo Ngiting nakapagpapaligaya Ngiting babaunin hanggang pag-uwi
Ngiti **** kay sarap ulit-ulitin Sa utak kong magulo Ngiti **** ang sarap isako Sa puso kong naghihilom
Ayokong ituloy 'to Dahil gusto ko Kapag nakahanap ako ng taong Muling gugustuhin 'Yung sigurado na 'Yung siya na
Pero hindi ma-ikakaila Nalungkot ako Nang minsang magkatampuhan tayo Halos maiyak ako Parang nung umaga lang okay tayo Nang maghapo'y hindi mo na ako kinibo
Ayokong ituloy 'to Tila mabilis ang lahat Gusto ko sigurado Uulit-ulitin ko sa makulit kong ulo Uulit-ulitin ko sa pasaway kong puso
Wala 'to H'wag mo lang pansinin Dahil ayokong magustuhan pa kita lalo