Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2015
makalipas ng daang-daang araw
ikaw ay nagbalik,
nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti.
'di nila mapigilang magtaka
kung ano ang pasalubong
dala mo sa iyong pagbisita;
kung anong mga damdamin at alaala
ang mahuhugot mula sa mga puso nating
'di malaman kung
nagtataguan ba o naghahanapan,
basta
siguradong nawawala.

ang surpresa mo kaya ay
kaba?
sabik?
takot?
hiya?
hiwaga?

hindi.

pinunit ang balot at
binuksan ang kahon.
natagpuan ko ay

wala.

oo,
wala lang.
wala na pala
tayong natira para sa isa't isa.
baka tinangay na ng bagyo,
ninakaw na ng iba,
o 'di kaya'y
naglaho lang talaga na parang bula.

'di nila mapigilang magtaka
at napaisip din ako kung bakit.
natagpuan ko ang sagot
at ito ay
*wala.
Marge Redelicia
Written by
Marge Redelicia  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems