Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
15.3k · May 2015
sa pagpalaot
katrina paula May 2015
Tinatahi ko ang tubig sa'king kamay
Pinapanuot ang gayelong lamig.
Sa paghampas ng alon;
Habang binabagtas ang di malirip na kalawakan,
Sinisikap kong ilarawan ka.
At sinusubukan kong hanapan ng letra
Ang tubig-alat na nagpapalunod sa'king puso

Napagtanto kong sa pagpalaot
Sa gitna ng kalawakan at kalaliman
Habang ako'y iginigiya ng mga alon
Hahayaan kong dalhin ng hangin ang 'king layag,
Magtitiwala sa tibay ng katig
Mamamangka sa gitna ng kainitan ng araw
Hahalik sa'yong daluyong ng kalayaan
*nagsimula rito ang mga buntung hininga sa'yo m.a.
8.2k · May 2015
iba pang tula para sa'yo
katrina paula May 2015
Marahil ito'y isang pagkamangha
Dahil nag-iiwan ka ng kuryosidad
Sa aking pag-iisip
(Di ko mailarawan,may pinupukaw ka sa'kin)
Subalit hindi...hindi ko kayang tanggapin
Na ito na nga'y pag-ibig, ni paghanga
(Pagka't panghahawakan ko ang tama)
Dahil tumitibok pa rin ang puso ko kahit wala ka
At patuloy pa rin akong nananaginip sa kalungkutan...
*m.a.
katrina paula Jul 2015
Ikinulong mo na sa'yong sarili
Ang patinig sa'yong pangalan
Kung paanong itinatago ng 'yong mata
Ang katotohanan sa mga katanungan
Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso,
Kaya nasambit **** di lahat ay totoo?
Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga
Kaya tila naumid sa tugon yaring dila?

Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang
Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig
Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig
Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
Para sa iyo K.B.C.  At sa iyong mga itinatago
4.9k · May 2015
sa fort santiago
katrina paula May 2015
Naaalala kita ngayon
At nais sana kitang makausap
Sa text o kaya naman ay magpapansin
Sapagkat ngayo'y ako'y nakikinig ng kundiman
Habang pinagmamasdan ang nalalaglag na kalachuchi
Dito kung saan nakahimlay ang mga bayani
At ang damuha'y lango sa alak..
4.1k · May 2015
hiling
katrina paula May 2015
Hiniling ko sayo'y maging isang mabuting kaibigan
Kahit na sa aking puso'y higit dun ang asam
*m.a.
3.4k · May 2015
sa paglimot
katrina paula May 2015
Tulad ng kinimuyos na papel
Sinta, kaya kitang isantabi
sa mga botelya ng alaala ng hikbi
Isasalampak sa isang sulok
Pabubulukin sa tagal ng panahon

Tulad ng maruming basahan
Puso, kaya kitang itapon
Sa'king labahan ng paglimot
Doon kita'y ikukula sa mga buntong hininga
Patutuyuin hanggang muling mapakinabangan

Marahil ito na nga ay pagtanggap
Na tulad ng maraming bagay na napaglumaan
Kaya kitang limutin at talikuran
Sa lupa, doon ang pinaglibingan
Ng ikaw at ako na walang patutunguan.
3.4k · May 2015
sa'yo
katrina paula May 2015
Pipigilan ko
Ang bulong ng tadhana
At gagapusin ang tumitibok kong puso
Dahil alam kong ito'y isang paghanga lamang
At napupunan mo lamang  ang aking kursyosidad (sa ngayon)
Ipauubaya ko muna ang daluyong ng 'king damdamin
Sa katahimikan, ibabaon ko ito
Hihintayin kong pumanatag ang rigidon
Dahil walang dahilan para ibigay sa'yo ang pagsinta
Sapagkat ito ang katotohanan sa tadhana nating dal'wa.
*feb 2015
2.7k · May 2015
dalawang haiku ng pagkahulog
katrina paula May 2015
Dalawang Haiku ng Pagkahulog

Halimuyak mo
Sumasabog sa puso
Hinto ang mundo

**

Kalat sa daan
Gaya ng 'king pag-ibig
Tuyo at pisak
Dahil nangako ka ng bulaklak
*m.a.
2.4k · Jul 2015
panapos (ngunit kapos)
katrina paula Jul 2015
May panapos din ang mga salita o parirala o pangungusap na di-buo ang diwa
Maaari ring hintuan ng mga patlang ang saglit na katahimikan
Tunay na isang pang-uyam ang linggwistika ng pag-ibig
Para sa isang taong tulad kong napagod na hanapin
Ang katapusan ng mga pangungusap na di mahintuhan
Naalala kita muli
7/12/2015
1.9k · May 2015
-ay!
katrina paula May 2015
Paikot-ikot
Ang sayaw sa damuhan
Ng mga paang walang patutunguhan
Paulit-ulit
Ang pagbigkas sa musika
Ng tinig na sintonadong plaka
Patay-sindi-ay!
ang kalituhan sa katauhan
Ng tibukin ng taong makasalanan
1.4k · May 2015
sa buhanginan
katrina paula May 2015
habang naririto ako
nakatingin sa karagatan
nakasalampak sa buhanginan
alaala mo ang tinatanaw

nadadarang ako
di sa init ng tirik na araw
kundi sa simoy na ibinubulong
ng 'king pusong nangungulila sayo
*april 2015
1.2k · May 2015
sa pag-uwi
katrina paula May 2015
Sa pag-uwi
Babaunin ko ang tunog
Ng iyong hampas sa dalampasigan
Isisilid sa'king puso
Ang tubig-alat ng iyong kagandahan
Kung kailan nagsimula ang kabaliwan
1.0k · May 2015
papalungkot
katrina paula May 2015
Sabi ko nga ba isa kang trahedya
dinadala mo ako sa masayang papalungkot na alaala
Na unti-unting pumapatay saking pagkatao
Hindi isang tula, kundi isang buntunghininga
886 · May 2015
sa paggawa
katrina paula May 2015
Nalalasing ako ngayon sa mapait na kapaguran
Sumusuray sa mga lagok ng katawang pagal
nangangarap sa mailap na kapahingahan
Umaasam ng katapusan.
770 · May 2015
napagtanto ngayon
katrina paula May 2015
Heto ulit ako
May pilat ang puso
Sa pagitan ng mga buntunghininga *m.a.

— The End —