Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Sa dilim ng gabi, may mga salita
Na nagpapanggap na totoo
Ngunit sa likod ng mga ngiti
May mga lihim na naghihintay

Ang mga kamay na nagtataksil
Ay nagpapalayas sa katapatan
Ang mga mata na naglilinlang
Ay nagpapanggap na hindi nakakakita


Sa mga sulok ng puso
May mga lihim na naghihintay
Ng tamang oras para mabunyag
Ang mga kasinungalingan na nagpapanggap na totoo


Ang kahon ng kasinungalingan
Ay naglalaman ng mga lihim
Na nagpapanggap na totoo
Ngunit sa katapatan, ang lahat ay mabubunyag..
In twilight lands where echoes gleam,
A sun is stitched from shards of dream.
The rivers flow with liquid light,
And stars converse in silent night.

Beneath a moon of sapphire flame,
The trees all speak.  but none the same.
Their roots entwine like ancient lore,
To guard a glass and breathing shore.

A castle floats on airless tide,
Where time forgets to turn or bide.
Its halls are lined with books that hum..
Their pages born of thought, not thumb.

The sky is green, the ground is gold,
And gravity obeys the bold.
A world unseen by mortal eye,
Yet touched in sleep when spirits fly.

So close your mind, and drift unchained.
To where the laws of fate are strained.
A whisper waits, soft-spoken, terse
Somewhere deep in a mirrored universe.
🌌🌌
Akala ko noon, sapat na ang mahalin,
Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan.
Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo,
May pusong pipili pa ring lumayo.

Pinili kitang mahalin sa bawat araw,
Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan.
Ngunit kahit anong pilit kong hawakan,
Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan.

Akala ko ang “tayo” ay pangmatagalan,
Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat.
Pero hindi pala laging sapat ang dasal,
Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan.

Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo,
Kundi sa tanong na: “Saan ba ako nagkulang sa’yo?”
Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan,
Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan.

Walang perpektong pag-ibig—oo nga, totoo.
Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat sa’yo.
Sana natutong magtira kahit kaunti,
Para may natira sa sarili kong muli kong buuin.

Ngayon alam ko na,
Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa,
Kundi ang manatiling umiibig
Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.
Sa ugat ng gabi, may pusong biniyak,
Tibok na sinakal ng pulbos na itim.
Laway ay nanuyo, katawa’y binagsak,
Ng demonyong laman ng isang karayom.

Sa sahig ng impyerno, may ngising basag,
Kandila ng buhay. pinatay sa usap.
Kaluluwa’y kinain ng asong mabangis,
Sa bawat hithit, may butil na labis.

May luha sa dila, may dugo sa tawa,
Tiyan ay nilamnan ng alab at sanga.
Di mo na alam kung tao ka pa,
O bangkay na buhay, alipin ng gaba.

Gumulong sa kanal, humalik sa kalye,
Kapit sa langit pero paa sa libing.
Bawat paghinga’y may lasa ng yelo,
Hanggang sa ang puso’y mapugto sa singhot...
Sa silong ng gabi’y may sayaw ng liwanag,
Na tila'y bituing naligaw sa ulap.
Ngiti’y nakapako, ngunit may panglaw,
Sa mata’y may apoy na malamig ang galaw.

Mga salitang tila ginto sa hangin,
Ngunit kapag hawak. abo’t panaginip din.
Lunas na lason ang haplos sa laman,
Tahimik ang sigaw ng kaluluwang wasak.

Lumulutang sa lambong ng usok na itim,
Para bang langit, ngunit walang awitin.
Hinahabol ang oras sa loob ng bote,
Kahit ang mundo'y umiikot sa mote.

Hindi na kilala ang sariling mukha,
Sa salamin ng guniguni’t maling akala.
Bangkay na humihinga, mata'y nakapikit,
Nilunod ng ulap ang liwanag sa isip.
mausok ang paligid😁

— The End —