Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Feb 2023 · 159
Lets try again
Ms Oloc Feb 2023
just because we
dont work out
doesnt mean we
cant try again
Jan 2023 · 133
still u
Ms Oloc Jan 2023
I
hate
love
but
you’re
the
only
exception
Jan 2023 · 255
Untitled
Ms Oloc Jan 2023
iibigin kita
kahit may iniibig ka ng iba
Jan 2023 · 372
aira
Ms Oloc Jan 2023
looking into your eyes,
realized that you're was
my first R E A L  L O V E.
Apr 2021 · 153
...
Ms Oloc Apr 2021
...
My life is like a movie
but...
I'm not the protagonist
Nov 2020 · 244
abu
Ms Oloc Nov 2020
abu
Ikaw yung pangarap,
na mahirap mahanap.
na kahit kailan ma'y
hindi sakin mapapasakamay.
May 2020 · 579
Ulan
Ms Oloc May 2020
Gabing kay lungkot
Sinabayan pa ng kulob
Mga nagliliwanag na kidlat
Mga nagdidilim na tao sa loob

Kasabay ng ulan
Ang aking pagluha
Kasabay ng agos ng ulan sa aking bubungan
Ang paghagulgol sa aking unan
May 2020 · 240
Panalangin
Ms Oloc May 2020
Kapag ako’y na sa simbahan
Ikaw ang lagi kong kahilingan.
Ikaw ang lagi kong pinagdadasal
Na wag kang pabayaan ng may kapal.

Sa kahilingan mo’y nakasubaybay.
Dahil ikaw ang aking panghabang buhay.
Pangako, hindi ka iiwan magpakailanman
At tayo’y magsasama ng walang hangganan.
May 2020 · 1.2k
Bituin
Ms Oloc May 2020
Ikaw ang lagi kong tinitingala sa kalangitan.
Sa tuwing gabi ika’y hinahangaan.
Sa ganda **** nagniningning.
Sayo ako’y nahuhumaling

Isa kang bituin
Sa aking paningin.
Na kailan ma’y di magiging akin.
Dahil ako’y hirap kang abutin.
May 2020 · 185
Makata
Ms Oloc May 2020
Hindi naman ako magsasayang ng mga
Tula at mga salita
Kung ikaw naman ang paksa
At kung sayo ko ilalaan ang aking pagiging makata.
May 2020 · 260
Entablado
Ms Oloc May 2020
Aakyat sa entablado
Dala dala ang aking talento
Haharap sa mga hurado
Habang ako’y kabado

Magsasalita sa harap ng maraming tao
Kahit ako’y problemado
At nangangamba kung ano ang magiging grado
Ako ba’y bagsak o pasado
Ms Oloc May 2020
Ala una na ng hating gabi
At ikaw ang iniisip parati.
Sa bawat pagtulog ko,
Walang ibang iniisip kundi ang tayo.

Pinipilit kong ipikit aking mga mata
Sapagkat ika’y inaalala pa.
Pinipilit kong matulog na,
Sapagkat ako’y binabangungot mo na.
May 2020 · 279
Pinapalaya na kita
Ms Oloc May 2020
Kung sakaling ayaw mo na
At hindi nako ang para sayo
Hayaan **** palayain kita
Kung di kana sa’kin sasaya
May 2020 · 481
Ikaw sa habang buhay
Ms Oloc May 2020
Oh aking sinta
Di ko man masabi pero para akong isang linta
Na gustong gusto nakadikit sayo
At sabik na sabik sa mga yakap mo

Pangako aking mahal
Ikaw lang ang prinsesa hanggat ako’y nabubuhay
Pangako ikaw lang ang aking minamahal
At ikaw ang aking pang habang buhay
May 2020 · 167
Dating tayo
Ms Oloc May 2020
Pwede bang bumalik sa dating tayo?
Dating ikaw at ako lang wala ng iba.
Aking inaalala ang mga alala na
Hanggang litrato nalang

Pwede ba natin ito’y muling umpisahan?
Umpisa na walang dulo
Umpisa na di na magbabago
Umpisa na di magiging litrato

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim
Ilan numero pa ba ang bibilangin
Para lang bumalik ang iyong damdamin
Na para lang sa’kin
May 2020 · 342
Tagutaguan
Ms Oloc May 2020
Tagutaguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod wala sa harap
Pagkabilang ko ng tatlo
Kakalimutan na kita.

Isa, dalawa...
Pero teka lang
Pagkabigkas ko ng isang numero
Yung masasayang alala hanggang litrato nalang ba

Pagkabigkas ko ng pangalawa
Siguro tama na, ang sakit sakit na.
Pagkabigkas ko ng pangatlo sapagkat...
Teka lang wala pala akong numerong sinabing tatlo

Uulitin ko ang pagbibilang
Dahan dahan ipipikit ang aking mga mata
At kakalimutan kana
Sasandal sa pader para di na lalong mahulog pa

Paano kita mahahanap aking mahal
Kumay nahanap kana palang iba
Paano kita matatagpuan
Kung may natagpuan ka ng iba

Anong silbi ng pagbibilang ko
Kung sa panaginip ika’ Namamasid
Hindi na kita iniisip
Sapagkat ikaw ang hinahanap ng kaluluwa ko sa aking panaginip

Eto na itutuloy kona ang pagbibilang
Mahal
Isa, dalawa...
Nabigo nanaman ako

Kahit ituloy ko ang pagbibilang
Kahit umabot ako ng bukas
Kahit umabot ako sa kamatayan
Kahit umabot ako sa kinabukasan

Hindi parin pala kita
Kayang kalimutan
Hayaan mo  darating din ang panahon
Na makakalimutan din kita

Sa mga binitawan na pangako
Bat parang ako nalang
Yung kumakapit dito
Asan kana?
May 2020 · 134
Aking ama
Ms Oloc May 2020
Mahal kong ama


Mahal kong aking ama
Asan kana?
Asan ka sa mga panahong kailangan kita?
Bat mo ko iniwan mag isa?
Naalala mo pa kaya ako?
Kung may pagkakataon man na makita ka
Pwede bang mayakap kita?
At aking madama
Na ikaw ang aking ama
Na labing apat na taon ko ng di nakakasama.

— The End —