Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nyl Oct 2017
Tulala sapagkat walang ginagawa,
sa maghapong oras ay nagdaraan
Tulala sapagkat napapagal,
buong araw sa trabaho ay inilalaan
Tulala sapagkat sawi,
puso ay humahangos at puno ng pighati
Tulala sapagkat nabigla,
may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti

Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip,
panahon na walang alintana
Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na”
Ang pagtingin sa kawalan ay para ring
mahimbing na tulog sa gabi-
Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin
at itago ang labi
At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw-
Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw

Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa
para gunitain ang pag-ibig
Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip,
isip na puno ng ibang ligalig
Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman
Kung hindi man, ay para saan?

Iwaglit na ang mga sapantaha,
sapagkat ang tulang ito ay nagawa na
Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila
At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag
Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
Sheena Garao May 2020
Ang katahimikan nitong gabi
Na tila'y dinadala ako sa panahong ayaw ko sanang matapos
Ang mga halakhak na nagsisilbing musika na gumagabay sa bawat hakbang nitong aming mga paa
Ang mga ngiting nakapinta sa mga mukhang kay tagal na ding hindi nakita
Sayang may dalang takot na wari'y pinapahatid nitong mga mata
Na sa bawat pagsilip sa mga masasayang kaganapan ay sya namang pag kumpas nitong maliliit na kamay ng orasan
Sa bawat segundo kapalit ay bawat alaalang pilit na kumakawala
Matay nakapikit at araw ay pilit na sumisilip
Nagbabadya ng panibagong umaga na pilit kang ginigising mula sa iyong pagkakahimbing
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang hapunan
Hanggang umabot sa masarap na kwentuhan
Hindi namalayan ang oras
Hatinggabi na't tuloy parin ang tawanan.

Pagkikita ay nadugtungan
Muli ay nagkayayaan
Kain dito, gala doon
Ikaw at ako magkasamang nagbibiruan.

Kasama ka sa pag-uwi
Kasabay ng musika paulit ulit naririnig
Hindi namalayan ang oras
Makasama ka lg walang lungkot sa labi.

Labis ang lungkot sa iyong pag-alis
Mga boses at ngiti **** nakakasabik
Mga matang mapungay at labing mapula
Sa isip ko ay laging nakapinta.

Pero mahal, ako'y nasasaktan
Nasasaktan sa maling pagmamahalan
Pagmamahalan sa maling panahon
Panahon na sinusubok ng pagkakataon.

Sa iyong pag-alis ika'y may hiling
Ika'y huwag kalimutan at ang mga alaala natin
Natulala at hindi na alam ang ibibigkas
Pero pangako mahal, ako'y andito lang hanggang wakas.

— The End —