Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dilaw* na *laso
Para sa pusturang laos
Tatak Pilipino
Kahihiyan naman ang puntos na dala.

Daraan ang bisekleta ni Juan
At titilapon ang mga matitining
Na Animo Rizal
Doon sa Puting Palasyo

Dilaw na laso
Laban sa Korte Suprema
Kung sinong naghalal at nagluklok
Siya ring magpapalaya
Malayo lamang tayo
Sa humihilik na *kasinungalingan
Ilang dekada na
Lumaban ka raw para sa amin
Hindi ko man lamang naabutan
Patungo raw iyon sa demokrasya.

Tingnan mo kami ngayon
Ang daang matuwid ay putikan
Ganito pala ang lasa ng imoralidad
Na kayo-kayo rin ang nagtimpla.

Marami nang nakatikim
Ng pait at kakunatan ng inyong hain
Ilan pa ba ang papalasapin?
Kaawa-awang mga dila
Mapapaso't kikirot
Dulot ng sarili ninyong mantika.

Katulad ng ibang baboy,
Ilalabas ka sa hawla
Nakalilihi ba doon?
Kaya nanlumo kayo sa taba
Tabang walang kainaman
Hindi magamit panggisa ng kamalian.

Sandamakmak pala kayo
Nagsanib-puwersa sa looban
Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan
Bagkus tambay sa kurapsyon
Sa kulungang may posisyon.

Bakal ang tali nyo
Kaya't sumuko na't wag pumiglas
Pagkat sa putikan ang  ruta
Yang putikang kayo rin ang may gawa.
Napanood ko sa TV ang pagpa-check up ni Enrile.

— The End —